We have 12 guests and no members online

MENU

 


 

AUGUST 24, 2018- DTI MAY CRACKDOWN SA MGA NANANAMANTALA SA PRESYO NG MANOK AT BABOY

source:http://radyo.inquirer.net/135043/dti-may-crakdown-sa-mga-nananamantala-sa-presyo-ng-manok-baboy

 

 

Magpapatupad ng crackdown ang Department of Trade and Industry (DTI) laban sa mga nananamantalang traders at vendors sa presyo ng manok at baboy. Ayon kay Trade and Indsutry Sec. Ramon Lopez, nakatatanggap sila ng reklamo sa mataas na presyo ng mga traders dahilan para mapilitan ang mga nagtitinda sa palengke na itaas din ang kanilang presyo. Para matugunan, pinayagan ng Department of Agriculture and DTI na mag-isyu ng notice of violation sa mga lumalapag na market players.